Nasaan ngayon ang notes ko?
Iniimbak ng NotePADD ang notes sa storage ng extension, sa loob ng Chrome profile mo sa computer na ito. Ibig sabihin:
- hindi kinokopya ng Chrome Sync ang mga ito sa iba mong computer, at walang cloud ang NotePADD;
- nabubura ang mga ito kapag inalis mo ang extension o binura ang Chrome profile;
- blangkong notepad ang simula sa bagong computer.
Kaya kung mahalaga ang notes mo, magtago ng kopya sa labas ng Chrome: isang backup file.
Paano ko iba-back up ang lahat ng note?
- I-click ang icon ng NotePADD para buksan ito sa side panel.
- Buksan ang menu (⋯) at piliin ang I-back up ang lahat ng note.
- Magda-download ang Chrome ng file na may pangalang tulad ng
notepadd-backup-2026-11-11.json.
Nasa file ang bawat note kasama ang pamagat, kulay at pin nito. Kung may Kaha ka, nasa file ang notes nito nang naka-encrypt, kasama ang naka-encrypt na key; kung wala ang password mo, hindi mababasa ang mga ito.
Gumawa ng backup paminsan-minsan, at palagi bago mo i-reinstall ang Chrome, i-reset ang computer o alisin ang extension.
Paano ko ililipat ang notes sa bagong computer?
- Kopyahin ang backup file sa bagong computer.
- I-install doon ang NotePADD at buksan ito.
- Buksan ang menu, piliin ang I-import at piliin ang file.
- Kung may Kaha ang backup, buksan ang tab na Kaha at i-unlock ito gamit ang parehong password na ginamit mo dati. Kung nakalimutan mo ito, gamitin ang recovery key mo.
- Tingnan ang ilang note, saka alisin ang NotePADD sa lumang computer kung hindi mo na ito kailangan doon.
Kung may Kaha na ang bagong computer na may ibang password, hihingin ng NotePADD ang password ng backup at ililipat ang notes na iyon sa kasalukuyan mong Kaha.
Ano ang ginagawa ng import?
- Isang .json na backup: idinadagdag ang notes. Kung mayroon nang parehong note, ang bersyong huling binago ang nananaig, kaya hindi napapalitan ng mas lumang backup ang mas bagong gawa.
- Isang .txt o .md na file: nagiging bagong note ang bawat file, na ipinangalan sa file. Puwede kang pumili ng ilang file nang sabay-sabay.
Paano ko ie-export ang isang note?
Buksan ang menu ng note at piliin ang I-download bilang .txt para makuha ito bilang plain text, o ang I-print para ipadala ito sa printer o i-save bilang PDF sa print dialog ng Chrome.
Gumamit ako ng NotePADD 3 na may Google Drive
Kayang kopyahin ng bersyon 3 ang notes sa isang spreadsheet na tinatawag na Notes sheet sa Google Drive mo. Hindi na kumokonekta sa Google ang bersyon 4. Kusang lilipat sa bersyon 4 ang notes mo sa computer na ito; nananatili ang lumang spreadsheet sa Drive mo hanggang burahin mo ito. Para gamitin ang notes na iyon sa computer na hindi pa kailanman na-install-an ng NotePADD, kopyahin ang mga ito mula sa spreadsheet papunta sa bagong notes, o i-save ang mga ito bilang .txt na file at i-import ang mga iyon.
Higit pa: ligtas ba ang NotePADD? · NotePADD